Introduksyon

Tomie Kawakami wrote 12:41pm on 26 August 2024
Hi. Sa mundong ito, endangered species na ang mga pinoy---pero naniniwala ako na darating ang panahon ay lalago ang populasyon natin at maghahasik tayo kabutihang loob sa sangka - offlinan. Mga kakarating lang na pinoy offline users, nawa'y panatilihin natin ang kapayapaan sa platform na ito. Nawa'y hindi kayo makagulo sa mga matagal na dito. Napapanatili pa namin sa ngayon ang kapayapaan ngunit hindi pa namin batid ang bukas. Iwasan nawa nating pagusapan ang mga bagay na magiging dahilan nang pagkakawatak-watak natin dito kagaya na lamang pulitika at relihiyon. Kung hindi man mapigilang pagusapan, nawa'y maging marespeto tayo sa isa't isa sa pakikipagtalakayan at iwasan ang pagkakaroon nang ad hominem na argumento. Yun lang hahaha btw kakanood ko to nang mga historical fiction drama hahaha grabe ang lalim koT_T xD